Indonesia

Indonesia
BATU, Indonesia. Photo by Jes Aznar

Saturday, June 20, 2009

dito, sa aking mundo

Sa wakas, nakakahinga na ako muli. Halos tatlong taon din akong hindi naka-apak sa aking mundo. Maraming dahilan pero hindi na importante yun ngayon dahil nakabalik na ako.

Kasama ko na muli ang mga kapwa mamahayag at kaibigan sa magdamagang huntahan, kwentuhan, tawanan at higit sa lahat, sa paghahanap ng mga makabuluhang kwento sa malawak na daigdig na ito.

Isang halimbawa ay ang aking byahe kahapon. Kasama ang isang kapwa mamahayag, inabot kami sa malayong lupain ng Ascoville para sa kwento ng isang mag-ina.

Napakasarap makinig. Napakasarap magsulat ng makabuluhang kwento. Napakasarap matuto. Napakasarap makabalik sa mundong ito.

Napakasarap makahinga muli.